2“Batid ko ang mga ginagawa ninyo pati ang inyong mga pagsisikap at pagtitiyaga. Alam ko rin na hindi ninyo kinukunsinti ang masasamang tao. Siniyasat ninyo ang mga nagpapanggap na apostol, at napatunayan ninyong silaʼy mga sinungaling.
3Tiniis ninyo ang mga paghihirap dahil sa pananampalataya ninyo sa akin, at hindi kayo nanghina.
4“Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Tinalikuran ninyo ang una ninyong pag-ibig.
5Alalahanin ninyo ang inyong kinalagyan bago kayo nahulog. Magsisi na kayo sa mga kasalanan ninyo at gawin nang muli ang dati ninyong ginagawa. Kung hindi, pupuntahan ko kayo at kukunin ang inyong ilawan.
6Ngunit ito ang gusto ko sa inyo: Kinasusuklaman ninyo ang mga ginagawa ng mga Nicolaita, na kinasusuklaman ko rin.