13Tatlo ang pinto sa bawat panig ng pader: tatlo sa silangan, tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, at tatlo sa kanluran.
14Ang pader ay may labindalawang pundasyong bato at nakasulat doon ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.
15Ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay may dalang panukat na ginto upang sukatin ang lungsod, pati na ang mga pinto at mga pader nito.
16Kuwadrado ang hugis ng lungsod, pareho lang ang haba at lawak nito. Sinukat niya ang lungsod gamit ang panukat at 12,000 estadia ang sukat. Magkakapareho ang haba, lawak at taas nito.
17Sinukat din niya ang pader, 144 siko ang taas nito. (Ang panukat na ginamit ng anghel ay katulad din ng panukat na ginagamit ng tao.)