Pahayag 21

Kuwadrado ang hugis ng lungsod, pareho lang ang haba at lawak nito. Sinukat niya ang lungsod gamit ang panukat at 12,000 estadia ang sukat. Magkakapareho ang haba, lawak at taas nito.

Revelation 21:16 (UKJV) And the city lies foursquare, and the length is as large as the breadth: and he measured the city with the reed, twelve thousand furlongs. The length and the breadth and the height of it are equal.

14Ang pader ay may labindalawang pundasyong bato at nakasulat doon ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.

15Ang anghel na nakikipag-usap sa akin ay may dalang panukat na ginto upang sukatin ang lungsod, pati na ang mga pinto at mga pader nito.

16Kuwadrado ang hugis ng lungsod, pareho lang ang haba at lawak nito. Sinukat niya ang lungsod gamit ang panukat at 12,000 estadia ang sukat. Magkakapareho ang haba, lawak at taas nito.

17Sinukat din niya ang pader, 144 siko ang taas nito. (Ang panukat na ginamit ng anghel ay katulad din ng panukat na ginagamit ng tao.)

18Ang pader ay yari sa batong haspe. Ang lungsod naman ay yari sa purong ginto na kasinlinaw ng kristal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.