9Makinig kayo! Ito naman ang gagawin ko sa mga kampon ni Satanas na mga sinungaling at nagpapanggap bilang mga Hudyo: Paluluhurin ko sila sa harapan ninyo, at malalaman nila na mahal ko kayo.
10Darating ang matinding kahirapan sa buong mundo na susubok sa mga tao. Ngunit dahil sinunod ninyo ang utos kong magtiis, ililigtas ko kayo sa panahong iyon.
11“Nalalapit na ang aking pagdating kaya magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti upang hindi kayo maagawan ng gantimpala.
12Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa Templo ng aking Diyos, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
13“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.