Pahayag 3

Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa Templo ng aking Diyos, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.

Revelation 3:12 (UKJV) Him that overcomes will I make a pillar in the temple of my God, and he shall go no more out: and I will write upon him the name of my God, and the name of the city of my God, which is new Jerusalem, which comes down out of heaven from my God: and I will write upon him my new name.

10Darating ang matinding kahirapan sa buong mundo na susubok sa mga tao. Ngunit dahil sinunod ninyo ang utos kong magtiis, ililigtas ko kayo sa panahong iyon.

11“Nalalapit na ang aking pagdating kaya magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti upang hindi kayo maagawan ng gantimpala.

12Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa Templo ng aking Diyos, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.

13“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

14“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Laodicea: “Ito ang mensahe ng tinatawag na Amen, ang tapat at tunay na saksi. Siya ang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.