12Ang magtatagumpay ay gagawin kong parang haligi sa Templo ng aking Diyos, at hindi na siya aalis doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
13“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
14“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Laodicea: “Ito ang mensahe ng tinatawag na Amen, ang tapat at tunay na saksi. Siya ang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos.
15“Nalalaman ko ang mga ginagawa ninyo. Alam kong hindi kayo malamig o mainit. Maigi sana kung mainit kayo o malamig, ngunit maligamgam kayo, kaya isusuka ko kayo.