15“Nalalaman ko ang mga ginagawa ninyo. Alam kong hindi kayo malamig o mainit. Maigi sana kung mainit kayo o malamig, ngunit maligamgam kayo, kaya isusuka ko kayo.
17Sinasabi ninyong kayoʼy mayaman, sagana sa lahat ng bagay, at wala nang pangangailangan. Ngunit hindi nʼyo nalalamang kayoʼy kahabag-habag, mahirap, bulag, at hubad.
18Kaya pinapayuhan ko kayong bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo. Bumili rin kayo sa akin ng puting damit upang matakpan ang kahiya-hiya ninyong kahubaran, at pati na rin ng gamot na ipinapahid sa mata para kayoʼy makakita.
19“Ang lahat ng minamahal ko ay tinutuwid ko at dinidisiplina. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo.