Pahayag 3

Kaya pinapayuhan ko kayong bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo. Bumili rin kayo sa akin ng puting damit upang matakpan ang kahiya-hiya ninyong kahubaran, at pati na rin ng gamot na ipinapahid sa mata para kayoʼy makakita.

Revelation 3:18 (UKJV) I counsel you to buy of me gold tried in the fire, that you may be rich; and white raiment, that you may be clothed, and that the shame of your nakedness do not appear; and anoint yours eyes with eye salve, that you may see.

17Sinasabi ninyong kayoʼy mayaman, sagana sa lahat ng bagay, at wala nang pangangailangan. Ngunit hindi nʼyo nalalamang kayoʼy kahabag-habag, mahirap, bulag, at hubad.

18Kaya pinapayuhan ko kayong bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo. Bumili rin kayo sa akin ng puting damit upang matakpan ang kahiya-hiya ninyong kahubaran, at pati na rin ng gamot na ipinapahid sa mata para kayoʼy makakita.

19“Ang lahat ng minamahal ko ay tinutuwid ko at dinidisiplina. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo.

20Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.