Pahayag 3

“Gayunpaman, may ilan sa inyo diyan sa Sardis na hindi nahawa sa masamang gawain ng iba. Lalakad silang kasama ko na nakasuot ng puting damit, dahil karapat-dapat sila.

Revelation 3:4 (UKJV) You have a few names even in Sardis which have not defiled their garments; and they shall walk with me in white: for they are worthy.

2Gumising kayo at pasiglahin ang natitira ninyong pananampalataya, upang hindi ito tuluyang mamatay. Dahil nakikita kong ang mga gawa nʼyo ay hindi pa ganap sa paningin ng aking Diyos.

3Kaya alalahanin ninyo ang mga aral na tinanggap ninyo. Sundin ninyo ang mga iyon at pagsisihan at talikuran ang inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo gigising, darating akong tulad ng isang magnanakaw, sa oras na hindi ninyo inaasahan.

4“Gayunpaman, may ilan sa inyo diyan sa Sardis na hindi nahawa sa masamang gawain ng iba. Lalakad silang kasama ko na nakasuot ng puting damit, dahil karapat-dapat sila.

5Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.

6“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.