Pahayag 3

“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Revelation 3:6 (UKJV) He that has an ear, let him hear what the Spirit says unto the churches.

4“Gayunpaman, may ilan sa inyo diyan sa Sardis na hindi nahawa sa masamang gawain ng iba. Lalakad silang kasama ko na nakasuot ng puting damit, dahil karapat-dapat sila.

5Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.

6“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

7“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Filadelfia: “Ito ang mensahe ng banal at totoong may hawak ng susi ni David. Kapag binuksan niya ang pinto, walang makapagsasara nito. At kapag isinara niya, wala sinuman ang makapagbubukas nito.

8“Nalalaman ko ang mga ginagawa ninyo. Kahit kakaunti ang inyong kakayahan, sinunod ninyo ang mga turo ko at naging tapat kayo sa akin. Kaya nagbukas ako ng pintuan para sa inyo na walang sinumang makapagsasara.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.