5Ang magtatagumpay ay bibihisan ng puting damit at hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Sa halip, kikilalanin ko silang mga alagad sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
6“Kayong may pandinig, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
7“Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Filadelfia: “Ito ang mensahe ng banal at totoong may hawak ng susi ni David. Kapag binuksan niya ang pinto, walang makapagsasara nito. At kapag isinara niya, wala sinuman ang makapagbubukas nito.
8“Nalalaman ko ang mga ginagawa ninyo. Kahit kakaunti ang inyong kakayahan, sinunod ninyo ang mga turo ko at naging tapat kayo sa akin. Kaya nagbukas ako ng pintuan para sa inyo na walang sinumang makapagsasara.
9Makinig kayo! Ito naman ang gagawin ko sa mga kampon ni Satanas na mga sinungaling at nagpapanggap bilang mga Hudyo: Paluluhurin ko sila sa harapan ninyo, at malalaman nila na mahal ko kayo.