Pahayag 4

na kumikinang tulad ng mga mamahaling batong haspe at kornalina. At may bahagharing kumikinang katulad ng esmeralda na nakapalibot sa trono.

Revelation 4:3 (UKJV) And he that sat was to look upon like a jasper and a sardine stone: and there was a rainbow round about the throne, in sight like unto an emerald.

1Pagkatapos nito, nakita kong nabuksan ang pinto sa langit. At narinig kong muli ang tinig na parang trumpeta. Sinabi niya, “Umakyat ka rito at ipapakita ko sa iyo ang mga mangyayari sa hinaharap.”

2At bigla akong napuspos ng Espiritu. Nakita ko doon sa langit ang isang trono na may nakaupo

3na kumikinang tulad ng mga mamahaling batong haspe at kornalina. At may bahagharing kumikinang katulad ng esmeralda na nakapalibot sa trono.

4Sa palibot ng trono ay may dalawampuʼt apat pang trono kung saan nakaupo ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaputi at may mga koronang ginto.

5Mula sa tronoʼy may mga kislap ng kidlat at ugong ng kulog. Sa harap naman nito ay may pitong lamparang nagniningas na sumasagisag sa pitong Espiritu ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.