3na kumikinang tulad ng mga mamahaling batong haspe at kornalina. At may bahagharing kumikinang katulad ng esmeralda na nakapalibot sa trono.
4Sa palibot ng trono ay may dalawampuʼt apat pang trono kung saan nakaupo ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaputi at may mga koronang ginto.
5Mula sa tronoʼy may mga kislap ng kidlat at ugong ng kulog. Sa harap naman nito ay may pitong lamparang nagniningas na sumasagisag sa pitong Espiritu ng Diyos.
6Sa harap ng tronoʼy mayroon ding parang dagat na salamin na kasinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono ang apat na buháy na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at sa likod.
7Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya, ang pangatlo ay may mukhang gaya ng tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad.