Pahayag 4

Sa harap ng tronoʼy mayroon ding parang dagat na salamin na kasinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono ang apat na buháy na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at sa likod.

Revelation 4:6 (UKJV) And before the throne there was a sea of glass like unto crystal: and in the midst of the throne, and round about the throne, were four beasts full of eyes before and behind.

4Sa palibot ng trono ay may dalawampuʼt apat pang trono kung saan nakaupo ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaputi at may mga koronang ginto.

5Mula sa tronoʼy may mga kislap ng kidlat at ugong ng kulog. Sa harap naman nito ay may pitong lamparang nagniningas na sumasagisag sa pitong Espiritu ng Diyos.

6Sa harap ng tronoʼy mayroon ding parang dagat na salamin na kasinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono ang apat na buháy na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at sa likod.

7Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya, ang pangatlo ay may mukhang gaya ng tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad.

8Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.