Pahayag 4

Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”

Revelation 4:8 (UKJV) And the four beasts had each of them six wings about him; and they were full of eyes within: and they rest not day and night, saying, Holy, holy, holy, LORD God Almighty, which was, and is, and is to come.

6Sa harap ng tronoʼy mayroon ding parang dagat na salamin na kasinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono ang apat na buháy na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at sa likod.

7Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya, ang pangatlo ay may mukhang gaya ng tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad.

8Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”

9Sa tuwing nagbibigay ang apat na buháy na nilalang ng parangal, papuri at pasasalamat sa nakaupo sa trono at nabubuhay magpakailanman,

10pumapatirapa naman ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harapan ng nakaupo sa trono at sinasamba nila siya na nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, at sinasabi,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.