Pahayag 4

pumapatirapa naman ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harapan ng nakaupo sa trono at sinasamba nila siya na nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, at sinasabi,

Revelation 4:10 (UKJV) The four and twenty elders fall down before him that sat on the throne, and worship him that lives for ever and ever, and cast their crowns before the throne, saying,

8Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”

9Sa tuwing nagbibigay ang apat na buháy na nilalang ng parangal, papuri at pasasalamat sa nakaupo sa trono at nabubuhay magpakailanman,

10pumapatirapa naman ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harapan ng nakaupo sa trono at sinasamba nila siya na nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, at sinasabi,

11“Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Diyos na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, sapagkat kayo ang lumikha ng lahat ng bagay. At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.