Pahayag 5

At umawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, sapagkat kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Diyos. Ang mga taong nagmula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa.

Revelation 5:9 (UKJV) And they sung a new song, saying, You are worthy to take the book, and to open the seals thereof: for you were slain, and have redeemed us to God by your blood out of every kindred, and tongue, and people, and nation;

7Lumapit ang Kordero sa trono at kinuha niya ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo roon.

8Nang kunin niya iyon, nagpatirapa ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harap ng Kordero. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na alpa at gintong sisidlang puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

9At umawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, sapagkat kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Diyos. Ang mga taong nagmula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa.

10Ginawa nʼyo silang mga hari at mga pari upang maglingkod sa ating Diyos. At maghahari sila sa mundo.”

11Nakita ko at narinig ang tinig ng napakarami at libo-libong mga anghel na nakapaligid sa trono, sa apat na buháy na nilalang at sa dalawampuʼt apat na pinuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.