9Pagkatapos nito, nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero. Nakadamit silang lahat ng puti at may hawak na mga palaspas.
10Sumisigaw sila nang malakas, “Ang kaligtasan ay mula sa Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.”
11Tumayo ang mga anghel na nakapalibot sa trono, sa mga pinuno, at sa apat na buháy na nilalang. At nagpatirapa sila sa harap ng trono at sumamba sa Diyos.
12Sinabi nila, “Amen! Ang Diyos natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan. Nalalaman niya ang lahat, at nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Purihin siya magpakailanman! Amen!”
13Tinanong ako ng isa sa dalawampuʼt apat na pinuno, “Sino ang mga taong iyon na nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?”