Pahayag 7

Sumisigaw sila nang malakas, “Ang kaligtasan ay mula sa Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.”

Revelation 7:10 (UKJV) And cried with a loud voice, saying, Salvation to our God which sits upon the throne, and unto the Lamb.

8labindalawang libo mula sa lahi ni Zebulun; labindalawang libo mula sa lahi ni Jose; labindalawang libo mula sa lahi ni Benjamin.

9Pagkatapos nito, nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero. Nakadamit silang lahat ng puti at may hawak na mga palaspas.

10Sumisigaw sila nang malakas, “Ang kaligtasan ay mula sa Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.”

11Tumayo ang mga anghel na nakapalibot sa trono, sa mga pinuno, at sa apat na buháy na nilalang. At nagpatirapa sila sa harap ng trono at sumamba sa Diyos.

12Sinabi nila, “Amen! Ang Diyos natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan. Nalalaman niya ang lahat, at nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Purihin siya magpakailanman! Amen!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.