Pahayag 7

Sinabi nila, “Amen! Ang Diyos natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan. Nalalaman niya ang lahat, at nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Purihin siya magpakailanman! Amen!”

Revelation 7:12 (UKJV) Saying, Amen: Blessing, and glory, and wisdom, and thanksgiving, and honour, and power, and might, be unto our God for ever and ever. Amen.

10Sumisigaw sila nang malakas, “Ang kaligtasan ay mula sa Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.”

11Tumayo ang mga anghel na nakapalibot sa trono, sa mga pinuno, at sa apat na buháy na nilalang. At nagpatirapa sila sa harap ng trono at sumamba sa Diyos.

12Sinabi nila, “Amen! Ang Diyos natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan. Nalalaman niya ang lahat, at nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Purihin siya magpakailanman! Amen!”

13Tinanong ako ng isa sa dalawampuʼt apat na pinuno, “Sino ang mga taong iyon na nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?”

14Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.