Pahayag 7

Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.

Revelation 7:14 (UKJV) And I said unto him, Sir, you know. And he said to me, These are they which came out of great tribulation, and have washed their robes, and made them white in the blood of the Lamb.

12Sinabi nila, “Amen! Ang Diyos natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan. Nalalaman niya ang lahat, at nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Purihin siya magpakailanman! Amen!”

13Tinanong ako ng isa sa dalawampuʼt apat na pinuno, “Sino ang mga taong iyon na nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?”

14Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.

15Kaya, nasa harap sila ng trono ng Diyos. Naglilingkod sila sa kanya araw at gabi sa kanyang Templo. At ang Diyos na nakaupo sa trono ang siyang kublihan nila.

16Hindi na sila magugutom o mauuhaw pang muli. At hindi na rin mabibilad o mapapaso sa sinag ng araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.