13Tinanong ako ng isa sa dalawampuʼt apat na pinuno, “Sino ang mga taong iyon na nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?”
14Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.
15Kaya, nasa harap sila ng trono ng Diyos. Naglilingkod sila sa kanya araw at gabi sa kanyang Templo. At ang Diyos na nakaupo sa trono ang siyang kublihan nila.
16Hindi na sila magugutom o mauuhaw pang muli. At hindi na rin mabibilad o mapapaso sa sinag ng araw.
17Sapagkat ang Korderong nasa trono ang magiging pastol nila, at silaʼy dadalhin sa mga bukal na nagbibigay-buhay. At papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.”