Mga Taga-Roma 11

Sapagkat hinayaan ng Diyos na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan nang sa gayoʼy maipakita niya sa kanila ang kanyang awa.

Romans 11:32 (UKJV) For God has concluded them all in unbelief, that he might have mercy upon all.

30Noong una, kayong mga Hentil ay suwail sa Diyos, ngunit kinahabagan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Hudyo.

31Ganoon din naman, kahahabagan niya ang mga Hudyo sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo.

32Sapagkat hinayaan ng Diyos na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan nang sa gayoʼy maipakita niya sa kanila ang kanyang awa.

33Napakadakila ng kabutihan ng Diyos! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

34Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: “Sino ba ang nakakaunawa sa kaisipan ng Panginoon? Sino ang makakapagpayo sa kanya?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.