Mga Taga-Roma 11

Napakadakila ng kabutihan ng Diyos! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

Romans 11:33 (UKJV) O the depth of the riches both of the wisdom and knowledge of God! how unsearchable are his judgments, and his ways past finding out!

31Ganoon din naman, kahahabagan niya ang mga Hudyo sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo.

32Sapagkat hinayaan ng Diyos na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan nang sa gayoʼy maipakita niya sa kanila ang kanyang awa.

33Napakadakila ng kabutihan ng Diyos! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

34Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: “Sino ba ang nakakaunawa sa kaisipan ng Panginoon? Sino ang makakapagpayo sa kanya?”

35“Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya upang tanawin niyang utang na loob?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.