29Sapagkat ang Diyos ay hindi nagbabago ng isip sa kanyang pagpili at pagpapala.
30Noong una, kayong mga Hentil ay suwail sa Diyos, ngunit kinahabagan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Hudyo.
31Ganoon din naman, kahahabagan niya ang mga Hudyo sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo.
32Sapagkat hinayaan ng Diyos na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan nang sa gayoʼy maipakita niya sa kanila ang kanyang awa.
33Napakadakila ng kabutihan ng Diyos! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!