Mga Taga-Roma 11

“Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya upang tanawin niyang utang na loob?”

Romans 11:35 (UKJV) Or who has first given to him, and it shall be recompensed unto him again?

33Napakadakila ng kabutihan ng Diyos! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

34Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: “Sino ba ang nakakaunawa sa kaisipan ng Panginoon? Sino ang makakapagpayo sa kanya?”

35“Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya upang tanawin niyang utang na loob?”

36Sapagkat ang lahat ng bagay ay sa kanya nagmula, at nabubuhay dahil sa kanyang kapangyarihan at para sa kanyang kaluwalhatian. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.