Mga Taga-Roma 12

Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ipinagkaloob sa isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Diyos, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya.

Romans 12:6 (UKJV) Having then gifts differing according to the grace that is given to us, whether prophecy, let us prophesy according to the proportion of faith;

4Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain,

5ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa.

6Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ipinagkaloob sa isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Diyos, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya.

7Kung ang ipinagkaloob sa kanya ay paglilingkod, maglingkod siya. Kung pagtuturo, magturo siya;

8kung pagpapalakas-loob, magpalakas siya nang loob; kung pagbibigay, magbigay siya nang bukas-palad; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.