Mga Taga-Roma 15

na maging lingkod ni Kristo Hesus para sa mga Hentil. Naglilingkod ako sa kanila tulad ng isang pari at ipinapangaral ko ang Magandang Balita ng Diyos upang silaʼy maging handog na katanggap-tanggap sa kanya, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Romans 15:16 (UKJV) That I should be the minister of Jesus Christ to the Gentiles, ministering the gospel of God, that the offering up of the Gentiles might be acceptable, being sanctified by the Holy Spirit.

14Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa.

15Ganoon pa man, sumulat pa rin ako nang walang pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay na dapat ipaalala sa inyo, dahil ipinagkaloob ng Diyos sa akin

16na maging lingkod ni Kristo Hesus para sa mga Hentil. Naglilingkod ako sa kanila tulad ng isang pari at ipinapangaral ko ang Magandang Balita ng Diyos upang silaʼy maging handog na katanggap-tanggap sa kanya, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

17At dahil akoʼy nakay Kristo Hesus, maipagmamalaki ko ang aking mga nagawa para sa Diyos.

18Hindi ako mangangahas na magmalaki tungkol sa anumang bagay, maliban sa kung ano ang ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko. Nahikayat ko ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga aral at gawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.