12Sinabi naman ni Isaias, “Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga Hentil, at aasa sila sa kanya.”
13Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
14Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa.
15Ganoon pa man, sumulat pa rin ako nang walang pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay na dapat ipaalala sa inyo, dahil ipinagkaloob ng Diyos sa akin
16na maging lingkod ni Kristo Hesus para sa mga Hentil. Naglilingkod ako sa kanila tulad ng isang pari at ipinapangaral ko ang Magandang Balita ng Diyos upang silaʼy maging handog na katanggap-tanggap sa kanya, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.