10At sinabi pa sa Kasulatan: “Kayong mga Hentil, makigalak kayo sa mga taong sakop ng Diyos.”
11At sinabi pa, “Kayong lahat na mga Hentil, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat, purihin siya.”
12Sinabi naman ni Isaias, “Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga Hentil, at aasa sila sa kanya.”
13Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
14Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa.