17At dahil akoʼy nakay Kristo Hesus, maipagmamalaki ko ang aking mga nagawa para sa Diyos.
18Hindi ako mangangahas na magmalaki tungkol sa anumang bagay, maliban sa kung ano ang ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko. Nahikayat ko ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga aral at gawa.
19Binigyan niya ako ng kapangyarihang gumawa ng mga tanda at kababalaghan. At ang lahat nang itoʼy sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya naipangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Kristo mula sa Jerusalem hanggang Ilirico.
20Ang tanging nais koʼy maipangaral ang Magandang Balita sa mga lugar na hindi pa naipapangaral si Kristo upang hindi ako makapangaral sa lugar na may gawaing sinimulan na ng iba.
21Sinasabi sa Kasulatan: “Ang mga hindi pa nasasabihan tungkol sa kanya ay makakakita. At ang mga hindi pa nakakarinig ay makakaunawa.”