Mga Taga-Roma 15

Sinasabi sa Kasulatan: “Ang mga hindi pa nasasabihan tungkol sa kanya ay makakakita. At ang mga hindi pa nakakarinig ay makakaunawa.”

Romans 15:21 (UKJV) But as it is written, To whom he was not spoken of, they shall see: and they that have not heard shall understand.

19Binigyan niya ako ng kapangyarihang gumawa ng mga tanda at kababalaghan. At ang lahat nang itoʼy sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya naipangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Kristo mula sa Jerusalem hanggang Ilirico.

20Ang tanging nais koʼy maipangaral ang Magandang Balita sa mga lugar na hindi pa naipapangaral si Kristo upang hindi ako makapangaral sa lugar na may gawaing sinimulan na ng iba.

21Sinasabi sa Kasulatan: “Ang mga hindi pa nasasabihan tungkol sa kanya ay makakakita. At ang mga hindi pa nakakarinig ay makakaunawa.”

22Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakarating diyan sa inyo.

23Ngunit ngayong natapos ko na ang mga gawain ko rito, at dahil matagal ko nang gustong pumunta riyan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.