Mga Taga-Roma 15

Naniniwala ako na pagdating ko riyan, dala ko ang maraming pagpapala para sa inyo mula kay Kristo.

Romans 15:29 (UKJV) And I am sure that, when I come unto you, I shall come in the fullness of the blessing of the gospel of Christ.

27Masaya nilang ginagawa ito, at ito ang nararapat, dahil may utang na loob sila sa mga kapatid sa Jerusalem. Kung ang mga Hentil ay nakabahagi sa pagpapalang espirituwal ng mga Hudyo, dapat lang na tulungan nila ang mga Hudyo sa mga pagpapalang materyal.

28Pagkatapos kong maihatid ang nakolektang tulong sa mga kapatid sa Jerusalem, dadaan ako riyan sa inyo bago ako pumunta sa España.

29Naniniwala ako na pagdating ko riyan, dala ko ang maraming pagpapala para sa inyo mula kay Kristo.

30Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa Panginoong Hesu-Kristo at sa pag-ibig na bigay ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na panalangin sa Diyos para sa akin.

31Ipanalangin ninyo na maligtas ako sa mga di-mananampalataya sa Judea, at malugod na tanggapin ng mga hinirang ng Diyos sa Jerusalem ang dala kong tulong para sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.