Mga Taga-Roma 15

Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa Panginoong Hesu-Kristo at sa pag-ibig na bigay ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na panalangin sa Diyos para sa akin.

Romans 15:30 (UKJV) Now I plead to you, brethren, for the Lord Jesus Christ's sake, and for the love of the Spirit, that all of you strive together with me in your prayers to God for me;

28Pagkatapos kong maihatid ang nakolektang tulong sa mga kapatid sa Jerusalem, dadaan ako riyan sa inyo bago ako pumunta sa España.

29Naniniwala ako na pagdating ko riyan, dala ko ang maraming pagpapala para sa inyo mula kay Kristo.

30Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa Panginoong Hesu-Kristo at sa pag-ibig na bigay ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na panalangin sa Diyos para sa akin.

31Ipanalangin ninyo na maligtas ako sa mga di-mananampalataya sa Judea, at malugod na tanggapin ng mga hinirang ng Diyos sa Jerusalem ang dala kong tulong para sa kanila.

32Sa ganoon, masaya akong darating diyan sa inyo kung loloobin ng Diyos, at makakapagpahinga sa piling ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.