26Sapagkat minabuti ng mga kapatid sa Macedonia at Acaya na magbigay ng tulong para sa mga mahihirap na hinirang ng Diyos doon sa Jerusalem.
27Masaya nilang ginagawa ito, at ito ang nararapat, dahil may utang na loob sila sa mga kapatid sa Jerusalem. Kung ang mga Hentil ay nakabahagi sa pagpapalang espirituwal ng mga Hudyo, dapat lang na tulungan nila ang mga Hudyo sa mga pagpapalang materyal.
28Pagkatapos kong maihatid ang nakolektang tulong sa mga kapatid sa Jerusalem, dadaan ako riyan sa inyo bago ako pumunta sa España.
29Naniniwala ako na pagdating ko riyan, dala ko ang maraming pagpapala para sa inyo mula kay Kristo.
30Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, alang-alang sa Panginoong Hesu-Kristo at sa pag-ibig na bigay ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na panalangin sa Diyos para sa akin.