Mga Taga-Roma 2

Nagmamalaki kayo na nasa inyo ang Kautusan, ngunit ginagawa naman ninyong kahiya-hiya ang Diyos dahil sa paglabag ninyo sa Kautusan.

Romans 2:23 (UKJV) You that make your boast of the law, through breaking the law dishonour you God?

21Tinuturuan ninyo ang iba, ngunit bakit hindi ninyo maturuan ang inyong sarili? Nangangaral kayong huwag magnakaw, ngunit kayo mismoʼy nagnanakaw.

22Sinasabi ninyong huwag mangalunya, ngunit kayo mismo ay nangangalunya. Kinasusuklaman ninyo ang mga diyos-diyosang sinasamba ng mga Hentil, ngunit ninanakawan naman ninyo ang kanilang mga templo.

23Nagmamalaki kayo na nasa inyo ang Kautusan, ngunit ginagawa naman ninyong kahiya-hiya ang Diyos dahil sa paglabag ninyo sa Kautusan.

24Tulad nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Dahil sa inyo, nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos.”

25May halaga lang ang pagiging tuli kung sinusunod ninyo ang Kautusan. Subalit kung nilalabag naman ninyo ang Kautusan, para na rin kayong mga hindi tuli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.