23Nagmamalaki kayo na nasa inyo ang Kautusan, ngunit ginagawa naman ninyong kahiya-hiya ang Diyos dahil sa paglabag ninyo sa Kautusan.
24Tulad nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Dahil sa inyo, nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos.”
25May halaga lang ang pagiging tuli kung sinusunod ninyo ang Kautusan. Subalit kung nilalabag naman ninyo ang Kautusan, para na rin kayong mga hindi tuli.
26At kung sinusunod naman ng isang hindi tuli ang Kautusan, ituturing siya ng Diyos na para na ring tuli.
27Kahit na kayo ay mga Hudyo at tuli, papatunayan ng mga Hentil na dapat kayong parusahan. Sapagkat kahit na hindi sila tuli at wala sa kanila ang Kautusan, sinusunod naman nila ito, samantalang kayong mga may hawak ng Kautusan ay lumalabag dito.