Mga Taga-Roma 3

Ang lahat ay tumalikod sa Diyos, at pare-parehong naging walang kabuluhan; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

Romans 3:12 (UKJV) They are all gone out of the way, they are together become useless; there is none that does good, no, not one.

10Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Walang matuwid sa paningin ng Diyos, wala kahit isa;

11Walang nakakaunawa tungkol sa Diyos, walang nagsisikap na makilala siya.

12Ang lahat ay tumalikod sa Diyos, at pare-parehong naging walang kabuluhan; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

13“Ang kanilang pananalita ay hindi masikmura tulad ng bukas na libingang nakakasuka. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya.” “Parang kamandag ng ahas ang nasa labi nila.”

14“Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.