Mga Taga-Roma 3

Walang nakakaunawa tungkol sa Diyos, walang nagsisikap na makilala siya.

Romans 3:11 (UKJV) There is none that understands, there is none that seeks after God.

9Ano ngayon ang masasabi natin? Tayo bang mga Hudyo ay nakalalamang sa mga Hentil? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko nang ang lahat ng tao ay makasalanan, Hudyo man o hindi.

10Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Walang matuwid sa paningin ng Diyos, wala kahit isa;

11Walang nakakaunawa tungkol sa Diyos, walang nagsisikap na makilala siya.

12Ang lahat ay tumalikod sa Diyos, at pare-parehong naging walang kabuluhan; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

13“Ang kanilang pananalita ay hindi masikmura tulad ng bukas na libingang nakakasuka. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya.” “Parang kamandag ng ahas ang nasa labi nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.