Mga Taga-Roma 3

Ano ngayon ang masasabi natin? Tayo bang mga Hudyo ay nakalalamang sa mga Hentil? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko nang ang lahat ng tao ay makasalanan, Hudyo man o hindi.

Romans 3:9 (UKJV) What then? are we better than they? No, in no wise: for we have before proved both Jews and Gentiles, that they are all under sin;

7Maaari ding may magsabi, “Kung sa aking pagsisinungaling ay lumalabas na hindi sinungaling ang Diyos, at dahil dito ay papupurihan pa siya, bakit niya ako parurusahan bilang isang makasalanan?”

8Kung ganito ang iyong pangangatwiran, para mo na ring sinasabi na gumawa tayo ng masama upang lumabas ang mabuti. At ayon sa mga taong naninira sa amin, ganyan daw ang aming itinuturo. Ang mga taong iyan ay nararapat lamang na parusahan ng Diyos.

9Ano ngayon ang masasabi natin? Tayo bang mga Hudyo ay nakalalamang sa mga Hentil? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko nang ang lahat ng tao ay makasalanan, Hudyo man o hindi.

10Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Walang matuwid sa paningin ng Diyos, wala kahit isa;

11Walang nakakaunawa tungkol sa Diyos, walang nagsisikap na makilala siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.