13“Ang kanilang pananalita ay hindi masikmura tulad ng bukas na libingang nakakasuka. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya.” “Parang kamandag ng ahas ang nasa labi nila.”
14“Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.”
15“Sa kaunting dahilan lang ay pumapatay agad sila;
16kapahamakan at hinagpis ang lagi nilang dala.
17Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa.”