Mga Taga-Roma 3

Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan.

Romans 3:28 (UKJV) Therefore we conclude that a man is justified by faith without the deeds of the law.

26Ito rin ay upang ipakita sa kasalukuyang panahon na siya ay matuwid. At dahil dito, itinuturing niyang matuwid ang mga makasalanang sumasampalataya kay Hesus.

27Kaya wala tayong maipagmamalaki, dahil ang pagturing sa atin na matuwid ay hindi sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kautusan, kundi sa ating pananampalataya kay Hesus.

28Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan.

29Ang Diyos ba ay Diyos lamang ng mga Hudyo? Hindi baʼt Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siyaʼy Diyos din nila,

30sapagkat iisa lamang ang Diyos, at ituturing niyang matuwid ang sinuman batay sa pananampalataya nito kay Kristo, Hudyo man ito o Hentil.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.