1Isang araw, sinabi ni Naomi kay Ruth, “Anak, gusto kong makapag-asawa ka na para sa ikabubuti mo.
2Natatandaan mo ba si Boaz na kamag-anak natin? Nakasama mo sa pagtatrabaho ang kanyang mga utusang babae. Alam mo, maggigiik siya ng sebada mamayang gabi.
3Kaya maligo ka, magpabango, at isuot ang pinakamaganda mong damit. Pumunta ka sa giikan, pero huwag kang magpakita sa kanya hanggang sa makakain at makainom siya.