Ruth 3

Natatandaan mo ba si Boaz na kamag-anak natin? Nakasama mo sa pagtatrabaho ang kanyang mga utusang babae. Alam mo, maggigiik siya ng sebada mamayang gabi.

Ruth 3:2 (UKJV) And now is not Boaz of our kindred, with whose maidens you were? Behold, he winnows barley to night in the threshing floor.

1Isang araw, sinabi ni Naomi kay Ruth, “Anak, gusto kong makapag-asawa ka na para sa ikabubuti mo.

2Natatandaan mo ba si Boaz na kamag-anak natin? Nakasama mo sa pagtatrabaho ang kanyang mga utusang babae. Alam mo, maggigiik siya ng sebada mamayang gabi.

3Kaya maligo ka, magpabango, at isuot ang pinakamaganda mong damit. Pumunta ka sa giikan, pero huwag kang magpakita sa kanya hanggang sa makakain at makainom siya.

4Kapag matutulog na siya, tingnan mo kung saan siya hihiga. At kapag tulog na siya, puntahan mo at iangat ang kumot sa paanan niya, at doon ka mahiga. At sasabihin niya sa iyo kung ano ang gagawin mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.