Ruth 3

Kapag matutulog na siya, tingnan mo kung saan siya hihiga. At kapag tulog na siya, puntahan mo at iangat ang kumot sa paanan niya, at doon ka mahiga. At sasabihin niya sa iyo kung ano ang gagawin mo.”

Ruth 3:4 (UKJV) And it shall be, when he lies down, that you shall mark the place where he shall lie, and you shall go in, and uncover his feet, and lay you down; and he will tell you what you shall do.

2Natatandaan mo ba si Boaz na kamag-anak natin? Nakasama mo sa pagtatrabaho ang kanyang mga utusang babae. Alam mo, maggigiik siya ng sebada mamayang gabi.

3Kaya maligo ka, magpabango, at isuot ang pinakamaganda mong damit. Pumunta ka sa giikan, pero huwag kang magpakita sa kanya hanggang sa makakain at makainom siya.

4Kapag matutulog na siya, tingnan mo kung saan siya hihiga. At kapag tulog na siya, puntahan mo at iangat ang kumot sa paanan niya, at doon ka mahiga. At sasabihin niya sa iyo kung ano ang gagawin mo.”

5Sumagot si Ruth, “Gagawin ko po ang lahat ng sinabi ninyo.”

6Kaya pumunta siya sa giikan para gawin ang lahat ng sinabi sa kanya ng biyenan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.