4Kapag matutulog na siya, tingnan mo kung saan siya hihiga. At kapag tulog na siya, puntahan mo at iangat ang kumot sa paanan niya, at doon ka mahiga. At sasabihin niya sa iyo kung ano ang gagawin mo.”
5Sumagot si Ruth, “Gagawin ko po ang lahat ng sinabi ninyo.”
6Kaya pumunta siya sa giikan para gawin ang lahat ng sinabi sa kanya ng biyenan niya.
7Nang matapos kumain at uminom si Boaz, gumanda ang pakiramdam niya. Nahiga siya sa tabi ng bunton ng sebada para matulog. Dahan-dahang lumapit si Ruth at iniangat ang kumot sa paanan niya at nahiga roon.
8At nang hatinggabi naʼy nagising si Boaz, at nang nag-inat siya, nagulat siya na may babaeng nakahiga sa paanan niya.