5Sumagot si Ruth, “Gagawin ko po ang lahat ng sinabi ninyo.”
6Kaya pumunta siya sa giikan para gawin ang lahat ng sinabi sa kanya ng biyenan niya.
7Nang matapos kumain at uminom si Boaz, gumanda ang pakiramdam niya. Nahiga siya sa tabi ng bunton ng sebada para matulog. Dahan-dahang lumapit si Ruth at iniangat ang kumot sa paanan niya at nahiga roon.
8At nang hatinggabi naʼy nagising si Boaz, at nang nag-inat siya, nagulat siya na may babaeng nakahiga sa paanan niya.
9Nagtanong si Boaz, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Ruth, na inyong lingkod. Takpan nʼyo po ako ng laylayan ng inyong damit sapagkat isa po kayo sa aming kamag-anak na manunubos.”