Zacarias 1

Sinabi ng anghel ng Panginoon, “Makapangyarihang Panginoon, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May pitumpung taon na po kayong galit sa kanila.”

Zechariah 1:12 (UKJV) Then the angel of the LORD answered and said, O LORD of hosts, how long will you not have mercy on Jerusalem and on the cities of Judah, against which you have had indignation these threescore and ten years?

10Ang taong nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto ang siyang nagpaliwanag sa akin. Sinabi niya, “Ang mga mangangabayong iyon ay ipinadala ng Panginoon upang umikot sa buong mundo.”

11Iniulat ng mga mangangabayo sa anghel ng Panginoon na nakatayo malapit sa mga puno ng mirto, “Nalibot na namin ang buong mundo at nakita naming tahimik ito.”

12Sinabi ng anghel ng Panginoon, “Makapangyarihang Panginoon, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May pitumpung taon na po kayong galit sa kanila.”

13Ang isinagot ng Panginoon sa anghel ay magagandang salita at nakapagbigay ng kaaliwan.

14At sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ipahayag mo ang mensaheng ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Labis ang paninibugho ko para sa Jerusalem at Zion,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.