Zacarias 1

At sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ipahayag mo ang mensaheng ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Labis ang paninibugho ko para sa Jerusalem at Zion,

Zechariah 1:14 (UKJV) So the angel that communed with me said unto me, Cry you, saying, Thus says the LORD of hosts; I am jealous for Jerusalem and for Zion with a great jealousy.

12Sinabi ng anghel ng Panginoon, “Makapangyarihang Panginoon, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May pitumpung taon na po kayong galit sa kanila.”

13Ang isinagot ng Panginoon sa anghel ay magagandang salita at nakapagbigay ng kaaliwan.

14At sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ipahayag mo ang mensaheng ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Labis ang paninibugho ko para sa Jerusalem at Zion,

15at matindi ang galit ko sa mga bansang akala ay ligtas sila. Hindi ako gaanong galit sa aking mamamayan noon, ngunit naging labis naman ang kasamaang ipinaranas ng mga bansa sa kanila.’

16“Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Babalik akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli ang lungsod na ito pati na ang aking templo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.