11Iniulat ng mga mangangabayo sa anghel ng Panginoon na nakatayo malapit sa mga puno ng mirto, “Nalibot na namin ang buong mundo at nakita naming tahimik ito.”
12Sinabi ng anghel ng Panginoon, “Makapangyarihang Panginoon, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May pitumpung taon na po kayong galit sa kanila.”
13Ang isinagot ng Panginoon sa anghel ay magagandang salita at nakapagbigay ng kaaliwan.
14At sinabi ng anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ipahayag mo ang mensaheng ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Labis ang paninibugho ko para sa Jerusalem at Zion,
15at matindi ang galit ko sa mga bansang akala ay ligtas sila. Hindi ako gaanong galit sa aking mamamayan noon, ngunit naging labis naman ang kasamaang ipinaranas ng mga bansa sa kanila.’